Wednesday, August 20, 2008

oh carlo my carlo!

Carlo Aquino, handa nang magpasilip ng puwet sa piling ni Diana Zubiri!

Column: Palaban 'To No!
Author: Dondon Sermino

WALA raw naramdaman si Carlo Aquino sa �pumping scene� nila ni Desiree del Valle sa pelikulang Tuli ng Viva. Sa kuwento ni Carlo, sino ba naman ang mag-iinit kung pressured at punumpuno ng sagabal ang syuting nila.

"Last day kasi `yon, tapos ang daming casualties, ang lakas ng ulan. At saka, it�s all work. Naisip ko na lang `yung scene after. Sabi ko nga, shit, si Des.

"At saka, wala naman dahil nakaupo si Des sa bandang ibaba ko. Siya lang naman ang nakikita sa camera. Pero `yun na nga, shit talaga, si Des kasi `yon, eh! Ha! Ha! Ha! Ha!" humahalakhak na kuwento ni Carlo.

Hindi itinatanggi ni Carlo na tulad ng ibang lalake, mapapamura ka talaga sa sandaling makasama mo si Desiree sa maiinit na eksena.

"Classy kasing tingnan, eh. Maganda talaga!" sabi pa niya.

"Pero, masaya ako sa Tuli, kasi reinvention talaga ito. Ang tagal ko kasi ro�n sa teeny bopper na image. Puro pa-cute lang ako noon, `di ba? So, ito na `yung bagong Carlo Aquino.

"Gusto ko talaga ito. I mean, exploring lang. Tina-try ko lang kung ano `yung kaya kong gawin, kung ano ang limits ko."

Ano pa ba ang kaya niyang gawin sa harap ng kamera?

"Hindi ko pa alam, eh. Depende siguro sa script na mapupunta sa akin.

"May mga kaibigan akong scriptwriter, may mga sinasabi sila sa aking treatment, na kapag kinukuwento nila, parang kayang-kaya kong gawin.

"Kumbaga, kung paghuhubarin ako, kaya kong gawin, kasi maganda `yung material.

"May isang story na sila na sinabi sa akin. It�s a love story, na 17 years old lang `yung lalake, tapos mga 25 years old ang babae. Kumbaga, mamahalin talaga nang husto ng lalake `yung babae.

"Siyam na tag-ulan ang lumipas. Bale `yun na rin ang title noon," kuwento pa rin ni Carlo.

Nangangahulugan ba �yon na handa na siyang magpakita ng hubo�t hubad na katawan sa isang matinong pelikula?

"Parang ganun. Oo siguro. Kung talagang kailangan lang, why not?

"Pero `yung frontal, parang mahirap siguro. Hindi ko siguro kaya.

"Ito ngang butt exposure pa lang, nag-iisip pa rin ako. Nudity kasi is a very big part ng buhay ng isang tao, na kailangan mo lang ipakita `yung nude mong katawan sa isang taong mahal mo," say niya.

Sabi namin kay Carlo, pananaw �yon ng isang pa-sweet na artista, na siyang imahe niya noon.

"So, dapat pala mag-iba na rin ang point of view ko ngayon? Ha! Ha! Ha! Ha!

"Kumbaga, gagawin ko `yon for the sake of art? Ha! Ha! Ha! Ha!" humahalakhak na lahad pa ni Carlo.

Kung matutuloy ang pelikulang Siyam Na Tag-ulan, type sana ni Carlo na si Diana Zubiri ang makasama niya. Katorse-anyos pa lang daw siya ay crush na crush na niya si Diana.

copied from HERE.

Source: Abante

I am going to watch those movies! :) wahahaha

0 comments: